katatapos ko lang mapanood yung first at second seasons ng
masters of horror. collection ito ng mga short horror films by a group of international directors especializing sa horror genre. may 13 episodes sa bawat season.
grabe kung graphical din lang ang pag-uusapan panalo yung ilang stories dito. what i found especially disturbing was the one entitled "jeniffer". isang linggo ata akong hindi nakakain ng meat, hehe. yun talaga ang pinakatumatak sa isip ko.
sunod na naka-disturb ng sobra sa akin eh yung "imprint" at "dream cruise" na parehong gawa ng japanese directors. sa imprint, yung torture scene, talagang nakakapanlamig ng laman. yung sa dream cruise naman, sa umpisa parang wala lang, pero yung pagkaka-represent nila dun sa ghost, panalong-panalo. natulog akong bukas ang ilaw matapos kung mapanood yun.
isa naman sa pinakanagustuhan ko eh yung "dance of death"... post apocalyptic yung setting nya at humanga ako dun sa kakaibang eerieness ng creativity nung writer. marami pang ibang magagandang films sa collection na ito. syempre meron din ibang medyo korni... hehe. try niyo i-watch. i'm sure you'll find something that will interest you.
ps: sobrang bilib talaga ako sa mga artists sa horror genre dahil napakalawak ng kapasidad ng imahinasyon nila. and watching this series just made me adore them more.
