Sinira ng mga taong tumira sa kanyang bahay ang matagal na pananahimik niya sa lugar na iyon. At mararanasan ng mga ito ang kalupitan niya... bilang isang kaluluwang ligaw na tanging nais ay paghihiganti!
Isang paranormal expert ang ina nina Malaya at Sita. At upang mas maging epektibo ang trabahong iyon nito ay tumira sila sa isang napakalumang bahay...
Isang napakalumang bahay na may bali-balitang pinamamahayan ng mga maligno at kaluluwang ligaw. Bale-wala iyon sa ina ng magkapatid dahil iyon ay kanya-kanyang gapiin ang mga maligalig na espiritu.
Pero paanong malulupig ang isang kaluluwang hindi lamang basta naliligaw sa mundo ng mga buhay, kungdi may matinding poot at nais na makapaghiganti?
Nais nitong ipakita ang malakas na kapangyarihan nito sa pamamagitan ng paglukob nito sa katawan ni Sita. At sa paglukob nito ay sunud-sunod ang kahindik-hindik na kaganapan ng mag-ina...