Tuwing papalapit ang Undas.. nagpaparamdam sa akin ang yumao kong ama... nung nakaraang taon.. nagkasakit ako... at sa aking panaginip inalagaan ako ni ama... naluha ako habang pinagmamasdan ko siya... bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-alala... Niyakap niya ako, at ang sabi niya huwag akong mangamba dahil gagaling ako. Nang magising ako bumaba na ang lagnat ko... at doon ko naalala na araw na pala ng undas.. panahon na para dalawin ko ang labi ni ama...
Ngayon, nalalapit na ang undas... nung isang linggo napanagipan ko si ama... naalala ko.. nasa mindanao pala ako... Paano ko mabibisita ang labi ni ama sa sementeryo ng manila?
Sapat na ba na mag-alay ako ng kandila at manalangin para sa kanya?
Sana mabisita ko ang puntod ni ama sa araw ng undas.....
Sa kabila ng lahat.. nagpapasalamat ako sa kanya dahil patuloy niya akong sinusubaybayan....
Kayo, meron din ba kayong kakaibang kwento na nararansan tuwing papalapit ang undas?
Ang sabi ng mga matatanda... kadalasan nagpaparamdam ang mga kaluluwa... nagbibigay ng pahiwatig na sana maalala sila sa araw ng undas....