Mga experiences ko sa bahay namin. Part 1
1. Nung bata ako siguro mga grade 4 or 5 ako nun, habang nagtatalon ako sa kama biglang may nag tap sa balikat ko na parang pinapatigil ako sa ginagawa kong pagtalon. Eh ako lang mag isa sa kwarto nung time na yun.. Nagulat ako kasi ang lakas ng pagkaka hawak sakin. Natakot ako pero dahan dahan ako bumaba ng kama at lumabas ng parang walang ngyari.
2. High school ako nung time na yun. Umuwi ako mga 7 or 8 na siguro galing sa pag gogo kart.. Pag pasok ko ng bahay nakita ko nanay ko na pumasok ng kwarto ko. Pinuntahan ko sya para magmano sana kaso pag pasok ko sa luob ala namang tao. Bka namalikmata lang ako at baka sa tabing kwarto lang sya pumasok at di ko napansin. Pumasok ako sa kabilang kuwarto pero nagulat ako na wala ding tao dun. Chinek ko kwarto ng nanay ko, wala din dun. Sa takot ko binuksan ko lahat ng ilaw.pag tingin ko sa labas nasa tindahan pala nanay ko.. Sino o ano kaya nakita ko?